Hindi alam ng maraming tao na sensitibo ako, na madalas ay dinaramdam ko ang mga simpleng bagay na nakikita o kaya ay nararamdaman ko.
Pero kahit ganoon, nakakatuwang isipin na maraming tao pa rin ang nagsasabi na napapasaya ko sila, na sa mga simpleng bagay na ginagawa ko ay napapatawa ko sila. Yung lagi nilang sinasabi na "you're great", sa totoo lang noong una hindi ako masanay sanay sa ganong salita. Greatness? Ano nga ba ako? Sino ako upang magtaglay ng ganoong katangian? Hindi ako super hero, hindi ako perpekto, natatakot akong magkamali, natatakot sumugal, marami akong pangarap na hanggang ngayon ay nanatili pa lamang na pangarap, ngunit sa kabila noon at ng aking mga kahinaan may mga taong nakakakita at nagsasabi ng salitang "You're great", "Napapasaya mo ako", "magaling ka" at kung minsan pa nga ay "maganda ka".
Nakakatuwang isipin na ang inaakala ko na dati ay kulang na pagmamahal ay naguumapaw pala.Hindi naman pala kulang, di lang talaga ako minsan marunong tumanggap.
Hindi na ako matatakot magkamali, sabi nga sa dula na napanuod namin kahapon, "Mabigo ka muna bago sumuko Erwin." (William, Ron Capindig) Hindi muna ngayon ang pagsuko, hindi muna ngayon. Marami pang panahon para itama ang mga pagkakamali.
O blogspot ko 'to, tagalog, di ka kaya naliligaw kaya binabasa mo 'to?