Wednesday, April 16, 2014

Magnilay

Kahit anong pilit, kahit paulit ulit na ayusin ang isang bagay, kapag nalamatan na, wala na talagang magagawa. Hindi na maibabalik, hindi dahil hindi mo ito gustong ayusin, kundi natatakot ka ng maubos ng maubos dahil tila wala namang halaga ang iyong ginagawa.

Ikaw para saan ka ba talaga lumalaban? May saysay pa ba ang iyong pinaglalaban o paulit-ulit mo lang itong ginagawa para paulit-ulit ka lang ding mawasak?